Kilalanin ang mga “alon” ng Baybayin

By: Jullian Desales
August 27, 2017
8107

Larawan ni Paul Sugano

Nitong Hulyo, naging usapin sa social media ang Wikang Filipino. Nag-ugat ang diskurso dahil sa mga larawang umikot na nagpapakita sa mga produkto’t kumpanyang nakatala ang mga pangalan sa makalumang sistema ng pagsulat o script na Baybayin. Samu’t sari ang naging reaksyon. May mga natuwa sa layunin ng larawan na ilahad at ipalaganap ang makulay nating wika’t kultura, at may mga nag-amok dahil daw di-umano’y mali ang pag-presenta at paggamit ng nasabing sistema.
Gayunpaman, nagkaroon ng diskurso sa ating wika at nahimok ang atensyon ng kabataan patungkol ditto.

Bilang naging ganito ang usapin, marapatin nating kilalanin ang Baybayin.

ISANG INTRODUKSYON
Bago pa man ipakilala ng mga Espanyol ang Romanong Alpabeto o ang Modernong Alpabeto sa pagsusulat, mayroon nang sariling sitemang pagsulat na gamit ang mga katutubo na kung tawagin ay “Baybayin”, na hango sa sistemang Brahmic mula sa bansang India na unang naitala noong ika-16 na siglo.

Ang Baybayin ay nangangahulugang “magbaybay”o sa Ingles ay “to spell”. May sarili din itong katangian sa pagsusulat sapagkat pinagsasama nito ang dalawang katinig at patinig, at ang istilo ng pagsulat ay binubuo ng mga linyang paiba’t iba ang kurba. Ayon sa Antropologong si Jomer Canega, marahil daw na ang Pilipinas ay napapalibutan ng dagat, at ang pakurbang paraan ng pagsulat ng Baybayin ay ibinase sa kurba ng alon.

Patuloy na ginamit ang sistemang ito sa kabila ng rehimeng Espanyol hanggang sa ika-19 na siglo. Ngayon, may mga orihinal na katutubo pa rin na talagang gumagamit ng Baybayin ang Tagbanua ng Palawan at mga Maranao ng Negros Occidental.

Sa kasalukuyan, ang Baybayin ay masasabing nawawala sa pagkaka-pamilyar ng mga Pilipino sapagkat nagkaroon ito ng maling pagkakahalintulad na kumapit sa karamihan. Mas nakilala ito sa maling tawag na “Alibata” sa halip na sa tama nitong ngalan. Sa katotohanan, mas nakararami nga sa ating mga Pilipino ang mas pamilyar sa katagang “Alibata” sa halip nga na “Baybayin.” Hindi din naman natin masisi ang ating mga sarili sa maling kataga sapagkat naituro lang din ito sa atin, at kahit sa ating mga libro noon ay makikita ang maling kataga. At dahil nga dito, naglayon ang gobyerno na tuluyan ngang tangalin ang maling kataga na “Alibata” para tuluyan na itong mawala.

Nakatala sa Opisyal na Pahayagan ng Republika ng Pilipinas ang sumusunod: “Hindi totoo ang Alibata. Imbento ito ng isang gurong inakalang mula ito sa Arabe. Hango ito sa unang titik ng Arabe: Alif + bata = alibata.”

Sa ngayon patuloy pa dapat linangin ang atin kaalaman ukol sa Baybayin upang mas lalo pang matutunan ng mga Pilipino. Dapat pa natin pagtuunan ng pansin at mas pahalagaan ito. Isa nang hakbang dito ay ang panukalang maglagay ng mga letrang Baybayin sa mga logo ng ahensya ng Gobyerno—isang maliit ngunit lubos na makahulugang aksyon kung sakaling maipatupad.

Hindi dapat hayaang mawala ang karunungan sa sistema na ito sapagkat sa pag-aalaga’t paglinang nito ay mas napapayaman natin ang ating kultura at ang ating pagiging pilipino.

Comments

  1. Lady Knights survive five-set thriller to hit 10-0 mark; Knights fall to EAC
  2. From mountain peaks to city streets: The true face of Philippine tourism
  3. Knights crumble against Blazers, Lady Knights escape defending champs in five grueling sets.
  4. Knights, Lady Knights triumphant in battle of Intramuros
  5. Josef v Ursua revisited as SC rules on same-sex property rights
  6. Letran bags double sweep against San Sebastian
  7. Lady Knights stomp Lady Altas in three sets, Knights bow to Altas Spikers in a nail-biter
  8. More than a decision: From care that empowers autonomy
  9. Letran-Manila shifts from Google Classroom to Canvas
  10. Lady Knights hand Lady Spikers first loss of the tournament, Knights snap winning streak against Red Spikers
  11. Letran, on a winning streak, bags double victories in women's and men’s volleyball
  12. Behind the nostalgic comeback of 2016
  13. Letran-Manila holds earthquake drill orientation ahead of Intramuros-wide exercise
  14. Effusive eruption of Mayon Volcano continues for 18th consecutive day
  15. Etched in Time: Seniors Reflecting on Their Last Semester
  16. Knighted in Glory: Honoring the victories and upcoming challenges of season 101
  17. MoveIt Drivers: A Christmas Journey
  18. From Law to Life: RA 11166's Fight Against HIV on World AIDS Day
  19. The Rooster's Mass: A Filipino heartbeat at dawn
  20. Marcos Jr.’s priority bills: A deep dive into four crucial legislations
  21. Warm glow in the dark walls: Christmas festivities in Intramuros
  22. Letran suffers heartbreaking loss against rival San Beda, ends NCAA 101 run as first runner up.
  23. Honoring Bonifacio: Rallying Against Corruption
  24. Knights return to familiar territory with an old foe standing in the way
  25. Letran sweeps Perpetual, back in the Finals after 3 years
  26. Preparing future tourism professionals, one event at a time