Ang mga Tinig mula sa Panitikang Pilipino

By: Kim Eniego
August 27, 2017
11346

Sa mundo ng nobelang Pilipino, malimit ay tumatayo ito bilang salamin sa ating kasaysayan. Matatandaang libro ng isang Gat Jose Rizal ang nagsilbing dagitab sa isang rebolusyon. Hindi maikakaila ang kahalagahan ng aklat.

Mga libro’t nobela ang siyang liligtas sa ating kasaysayan mula sa pagkalimot. Ang mga libro ay malaking bahagi sa ating buhay, lalo na’t ito ay nagbibigay ng mahalagang aral at kaalaman natin. Bukod dito, ang pagbabasa ay nagbibigay gabay, aral, o kahit ano man ang gustong maipatid ng may akda para sa kanyang mambabasa.

Ang mga sumusunod ay mga linya mula sa piling aklat na naglalahad ng iba’t ibang mukha ng Pilipino, mula sa kwento ng dumi at alikabok ng lansangang Maynila, maging sa mga madugong laban para sa tunay na kasarinlan mula sa mga Kastila. Pinapatunayan dito na ang pagsusulat ng mga Pilipinon ay nagiging boses na kinakailangan ng bansa.

DEKADA ’70 ni Lualhati Bautista: “Ang payapang pampang ay para lang sa mga pangahas na sasalungat sa alimpuyo ng mga alon sa panahon ng unos.”

Isa sa mga pinakasikat na akda ni Lualhati Bautista ay ang Dekada ’70, pumapatungkol sa isang nanay na humaharap sa mga iba’t ibang sitwasyon kasama ang kanyang pamilya sa panahon ng Martial Law noong 1970. Dito, naipakita ni Lualhati Bautista ang malagim na katotohonan sa ilalim ng rehimen ng diktador na si Ferdinand Marcos. Tumatayo ang aklat bilang isang epektibong halimbawa para ipahiwatig sa mga tao ang mga kaganapan noong panahon ng martial law.

MACARTHUR ni Bobong: “Dalawang dekada ka lang mag-aaral. Kung di mo pagtitiyagaan, anak, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. Sobrang lugi. Kung alam lang iyon ng mga kabataan, sa pananaw ko e walang gugustuhing umiwas sa eskwela.” 

Sa dami ng isinulat na sikat na manunulat na si Bob Ong, ang Macarthur ay isang libro na nagtatalakay sa mga kabataan na humaharap sa mga problema ng ating bansa katulad ng droga, edukasyon, pagpapamilya, at iba pa. Itong libro na ito ay nakatatak sa mga mambabasa dahil sa pagiging totoo ng mga sinasabi tungkol sa bansa natin. Hindi parin dito nawawala ang istilo ni Bob Ong na mayroong katatawanan na nagbibigay ng palatandaan sa sikat nitong awtor.

MGA IBONG MANDARAGIT ni Amado V. Fernandez: “Naryan ang kaibhan ng armas sa isang ideya. Ang sandata'y nakagigiba't pumapatay lamang; ang ideya'y nakagigiba't nakabubuo, pumapatay at bumubuhay.”

Bilang isang aktibista’t manunulat, naisulat ni Amado V. Fernandez ang librong ito hango sa kanyang mga pagsubok bilang isang intelligence officer ng mga gerilya noong 1942 hanggang 1945 sa ilalim ng pag-okupa ng mga Hapon.

NOLI MI TANGERE ni Jose Rizal:  "Mamamatay akong hindi nakikita ang ningning ng bukang-liwayway sa aking Bayan! Kayong makakakita, salubungin ninyo siya, at huwag kalilimutan ang mga nabulid sa dilim ng gabi." 

Bilang mandato na basahin at aralin ang mga nobela ni Dr. Jose Rizal sa mga paaralan, imposibleng walang estudyanteng makakaalam nito. Ang Noli Me Tangere ay isinulat ni Rizal sa layuning ipakita ang pang-aapi at abuso sa ilalim ng okupasyon ng mga Kastila.

EL FILIBUSTERISMO ni Jose Rizal: “Nalilimot ng bawat isa sa inyo na habang napag-iingatan ang isang bayan ang kaniyang wika, napag-iingatan din nito ang katibayan ng kaniyang paglaya, katulad ng pagpapanatili ng isang tao sa kaniyang kasarinlan, upang mapanatili niya ang kaniyang sariling paraan ng pag-iisip. Ang wika ang pag-iisip ng bayan.”

Umikot sa kadiliman ng laban para sa kalayaan ang El Filibusterismo. Tumayo ang nobela bilang sagisag sa ating mga Pilipino, para tumindig sa ating mga paa at lumaban, maski sino pa ang hinaharap.

Ipinadampot ang awtor dahil di-umano’y ‘subersibo’ ang mga tema ng aklat, at itinapon sa Dapitan sa Mindanao. Sa hatol ng kamatayan, binaril si Rizal sa Bagumbayan noong 1896.
Gayunpaman, patuloy na nabububuhay ang diwa ng kanyang mga akda.

(Naunang inilathala sa aming Buwan ng Wika Espeyal na Isyu.)

Comments

  1. Warm glow in the dark walls: Christmas festivities in Intramuros
  2. Letran suffers heartbreaking loss against rival San Beda, ends NCAA 101 run as first runner up.
  3. Honoring Bonifacio: Rallying Against Corruption
  4. Knights return to familiar territory with an old foe standing in the way
  5. Letran sweeps Perpetual, back in the Finals after 3 years
  6. Preparing future tourism professionals, one event at a time
  7. AquaKnights close out NCAA Season 101 with steady finish
  8. Gilas dominates first round of FIBA qualifiers, gears up for second window against New Zealand and Australia
  9. Speak Up forum tackles the value of “diskarte o diploma”
  10. Knights silence Altas to take semis game 1
  11. Thousands join ‘Trillion Peso March’ as Filipinos demand accountability
  12. Estrada’s triples burn chiefs, Knights semis bound
  13. Woman, Life, Freedom
  14. Knights extend season hopes after trouncing Chiefs
  15. Letran launches E-Waste Management Program
  16. Letran kicks off 405th founding year with Colegio Week 2025, return of amusement rides
  17. Manalili leads charge against San Beda, drops 26 to close elimination round
  18. Final phase of NSTP Lecture Series 2025 promotes advancement rights and inclusion for marginalized sectors
  19. Pride on the line: Ricardo, Knights stay locked in despite non-bearing San Beda showdown
  20. Once a Knight, Always a Knight: Celebrating the 108th Letran Alumni Homecoming
  21. How Uwan and Tino exposed the Philippines’ fragile defenses
  22. Enlightening the unwary: A committed mission to end human trafficking
  23. Officials outline the start of Nazareno 2025 Festivities
  24. Beyond the Boards: Vince Petalver’s Journey to Success
  25. ROSARIUM: Prayers for living evils
  26. Letran storms back, halts Castillo’s heroics to top EAC
  27. PH launches ASEAN 2026 chairmanship with focus on AI, and regional unity
  28. Letran Chess Team seeks breakthrough in next matchup versus Perpetual
  29. LCV, CED hold bloodletting drive in partnership with DOH-PBC
  30. Letran slips in Group B standings after tough loss to Benilde
  31. Enrile passes away at 101, a lifetime of power and controversy remembered
  32. “RICH is open for everyone” – RPD
  33. Finding Her Way: How Evita Aberilla Turned Uncertainty into Triumph
  34. Typhoon Uwan death toll climbs to 27
  35. From Provinces to the City: Letranites’ Lives Away from Home
  36. Letran-Manila students hold outreach day promoting health, rights, and culture for the elderly
  37. To Keep Going: One Step Back, Two Steps Forward
  38. NSTP Lecture Series 2025 opens; highlights culture, gender, and governance
  39. ICC warrant for Sen. Dela Rosa under verification by DOJ over drug war allegations
  40. Estrada leads redemption win, defuses Heavy Bombers
  41. Marcos Jr., VP Sara Q3 trust, performance ratings drop – OCTA Survey
  42. 114 fatalities under Typhoon Tino – NDRRMC
  43. Dela Rama hits game-winner as San Sebastian snaps Letran’s hot streak
  44. Letran’s Manalili steps up, claims NCAA Player of the Week award
  45. Bill seeks lifetime validity, free issuance of PWD IDs
  46. Santos, Omega shine as Letran cruises past Arellano for fifth straight win
  47. PH orders full implementation of ‘Sagip Saka’ Act to boost farm incomes